Back to All Events

Kultura. Kasaysayan. Kasuotan | Lakan at Lakambini 2026

  • Southwestern College of Maritime, Business & Technology Inc. 129 Quezon Dr Calapan, MIMAROPA Philippines (map)

Bitbit ang kumpiyansa sa pagtatanghal ng tradisyonal at modernong kasuotan, ipinamalas ng mga kalahok ng ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—–๐— ๐—•๐—ง ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ang ibaโ€™t ibang mukha ng kulturang Pilipino. Mula sa tindig hanggang sa kilos ng isang tunay na Binibini at Ginoo, pinatunayan nilang sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga tradisyon at pagkakakilanlan, nagtatagpo pa rin ang mga ito sa iisang layunin-ang pagpapahalaga at pagtataguyod sa ating kultura.

Higit pa sa kompetisyon, naging tulay ang naturang gawain upang mapag-isa ang bawat programa sa isang selebrasyon ng kasuotang Pilipino habang niyayakap ang pagbabago na dulot ng makabagong panahon. Sa bawat pagtatanghal, naipakita ang pagsasanib ng tradisyon at modernidad, na nagpapakitang maaaring umunlad ang kultura nang hindi kinakalimutan ang pinagmulan.

Bakas sa mga itinanghal na kasuotan ang naging ebolusyon ng tradisyonal na kasuotang Pilipino, mula sa mga elementong nagmula sa ating kasaysayan hanggang sa mga makabagong interpretasyon na sumasalamin sa kasalukuyang henerasyon. Sa pamamagitan nito, muling nabigyang-buhay ang kultura at kasaysayan ng Pilipinas sa isang entabladong pinagsama ang kultura, kasaysayan, at kasuotan.