πππππ§π | Aktibong lumahok ang Southwestern College of Maritime, Business and Technology Inc. sa ginanap na TechPro Culminating Activity ng Oriental Mindoro National High School (OMNHS) na may temang βTaste the Skill, Build the Future: A Food and Tech Festival for Laboratory Excellence.β
Itinampok sa nasabing aktibidad ang husay at kasanayan ng mga mag-aaral mula sa Technical-Vocational-Livelihood (TVL) at Technical Professional (TechPro) track ng OMNHS, na nakatuon sa pagpapaunlad ng praktikal na kaalaman at kahandaan para sa hinaharap na propesyon.
Bukod sa mga produkto at presentasyon ng mga estudyante, naging bahagi rin ng programa ang kolaborasyon ng OMNHS at ng ibaβt ibang partner institutions kabilang ang St. Mark Arts and Training Institute Inc., Absolute Health Care Institute Inc., ACLC College of Calapan, Asian Career and Skills Enhancement Center Inc., at SCMBT. Layunin ng OMNHS na mas mapaigting pa ang pakikipag-ugnayan nito sa mga partner institutions.
Kinatawan ng SCMBT sa nasabing gawain sina Sir Zaldy D. Andal, OIC-Principal, SHS; Maβam Oliva D. Lastimosa, TechPro Instructor; at Sir Lemuel Palomera. Ipinakita ng kanilang presensya ang patuloy na pagsuporta ng SCMBT sa OMNHS bilang partner institution nito, gayundin sa mga aktibidad na naglalayong higit pang mahasa ang kasanayan ng mga mag-aaral sa larangan ng teknikal at bokasyonal na edukasyon.