Back to All Events

Buwan ng Wika 2026 | Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon


  • Southwestern College of Maritime, Business & Technology Inc. 129 Quezon Dr Calapan, MIMAROPA Philippines (map)

๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ช๐—œ๐—ž๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ I Sa panahong halos isang pindot na lamang ang pagitan ng tao at impormasyon, patuloy na pinatutunayan ng Wikang Filipino ang kahalagahan nito sa pagkatuto at pananaliksik. Ito ang naging sentro ng pagdiriwang ng ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ sa pamamagitan ng gawaing pangklasrum sa ilalim ng temang โ€œ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—”๐—œ: ๐—ž๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ๐˜€๐—ถ๐—ธ ๐—ฎ๐˜ ๐—ง๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฌ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—บ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป,โ€ Agosto 26-28.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, nakilahok ang mga mag-aaral ng Senior High School sa ๐—”๐—œ-๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ๐˜€๐—ถ๐—ธ, isang gawaing naglalayong ipakilala ang responsableng paggamit ng Artificial Intelligence (AI) bilang pantulong na kasangkapan sa paghahanap, pag-oorganisa, at pag-unawa sa impormasyon. Sa pamamagitan nito, nasubok ng mga mag-aaral kung paano maaaring gamitin ang makabagong teknolohiya upang mapadali ang proseso ng pagkatuto at pananaliksik.

Kasabay nito, muling nabigyang-halaga ang wikang Filipino bilang wikang maaaring gamitin sa mas malalim na pag-unawa at pagpapahayag ng kaalaman. Sa paggamit nito sa proseso ng pananaliksik, naging mas malinaw para sa mga mag-aaral ang paglalahad ng kanilang mga natutuhan at natuklasan.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, naipakita ng mga mag-aaral na ang teknolohiya ay maaaring maging katuwang sa pagkatuto habang isinasabalikat ang kahalagahan ng mapanuring pag-iisip at wastong paggamit ng impormasyon.