Nagsagawa ng Campus-Based Orientation ang CHED-UniFast MIMAROPA Team sa Southwestern College of Maritime Business and Technology (SCMBT), upang talakayin ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTEA) o RA 10931 at ang mga kaugnay nitong programa, Marso 12.
Pinangunahan ng UniFast MIMAROPA Team ang aktibidad, kasama ang mga kinatawan mula sa iba't ibang programa, kabilang sina Harry Marmol para sa Tertiary Education Subsidy (TES) at Jean Fortuno, Gilbert Laping, at JC Ontal para sa Tulong Dunong Program (TDP).
Layunin ng programang ito na mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa mga benepisyo, proseso, at mga polisiya ng mga programang pang-edukasyon, partikular na sa sa mga scholarship program na ibinibigay ng CHED.
Dinaluhan ito ng mga mag-aaral mula 1st to 4th year Maritime at Hospitality Management College Students, na nakibahagi sa talakayan hinggil sa mga kaalaman ukol sa TES at TDP. Bukod dito, nagkaroon ng open forum kung saan nasagot ang mga katanungan ng mga estudyante hinggil sa kanilang aplikasyon at scholarship grants.
Ang nasabing programa ay pinangasiwaan ni Ma'am Princess Jhoy Batanes na siya ring nagsilbing tagapagdaloy ng programa.
Ayon sa UniFast Team, patuloy nilang isinusulong ang accessibility at epektibong implementasyon ng kanilang mga programa upang mas maraming estudyante ang makinabang sa mga ito.
Patuloy namang sinusuportahan ng SCMBT ang ganitong mga inisyatibo upang matiyak na ang bawat estudyante ay may sapat na kaalaman at oportunidad na makatanggap ng educational assistance para sa kanilang pag-aaral.