Back to All Events

Batch 2006 Alumni Homevisit

  • Southwestern College of Maritime, Business & Technology Inc. 129 Quezon Dr Calapan, MIMAROPA Philippines (map)

π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—” | Muling bumisita sa Southwestern College of Maritime Business and Technology ang Batch 2006 upang mag-update ng kanilang data at maghanda para sa darating na Alumni Homevisit, Pebrero 8.

Sa kanilang pagbabalik, aktibong nakilahok ang mga alumni sa pagsasaayos ng kanilang impormasyon sa paaralan upang matiyak ang maayos na komunikasyon at koordinasyon para sa nalalapit na pagtitipon. Bukod sa data updating, nagkaroon din ng talakayan at pagsisiyasat ang mga dating mag-aaral upang makita ang mga pagbabago at pag-unlad ng paaralan.

Isang maikling pagtuturo tungkol sa mga kursong inaalok ng paaralan ang isinagawa para sa mga estudyanteng anak ng mga alumni, sa pangunguna ni Sir Lemuel Palomera. Layunin nitong mas lalo pang mahubog ang interes ng mga mag-aaral sa kanilang mga napiling larangan.

Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ni Ma'am Jimmily Bautista, na nanguna sa pagsasaayos ng mga kinakailangang impormasyon ng alumni at pagsigurong maayos ang paghahanda para sa Homevisit.

Ayon sa ilang alumni, ang ganitong pagkakataon ay mahalaga hindi lamang upang muling magkasama-sama kundi upang maipadama rin ang kanilang suporta sa paaralang humubog sa kanila.

"We're looking forward dun sa sinasabi nilang Alumni Homevisit, kasi eventhough magkakahiwalay kami ngayonβ€”kasi marami naman talagang nakasakayβ€”nagpaplano pa rin kami. Actually, dun sa aming GC, nandun pa rin silang lahat kahit magkakahiwalay kami," saad ni Ma'am Krystal Chua Benter.

Inaasahang ang Alumni Homevisit ay magiging isang makabuluhang pagsasama-sama ng mga dating mag-aaral, kung saan sila ay magpapalitan ng kwento, magbabalik-tanaw sa kanilang mga alaala, at muling paiigtingin ang kanilang koneksyon sa paaralan.